Davao: IED narekober sa mga militar sa Davao de Oro

0
0

Narekober sa mga tropa ng 1st Davao de Oro Provincial Mobile Force Company (1st DDOPMFC) sa ilalim ng supervision ni PCOL Benedicto Faco, Officer-In-Charge sa Davao de Oro Police Provincial Office ang improvised explosive device (IED) na pinaniniwalaang isa sa mga gamit ng Communist NPA Terrorist (CNT) kahapon, Agosto 12, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Isang sibilyan ang kinilalang si alyas “Lino”, ang nagsumbong sa mga militar na nakakita ng IED. Kaagad na nagsagawa ng Major Internal Security Operation upang sa retrieval ng naturang bagay.

Positibong nakuha ng kasundalugan ang isang colored blue, with brown PVC pipe IED o mas kilalang anti-vehicle landmine ang kanilang nadiskobre.

Malaki ang pasasalamat ng tropa sa mga sibilyan katulad ni Lino na may kamalayan sa paligid. Hinihikayat din ang mga tao na maging mapagmatyag, kung merong kahina-hinalang nakita maaring i report kaagad sa awtoridad upang madali itong ma aksyonan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here