MIAA GM Monreal hindi magbibitiw sa posisyon
August 22, 2018
Presyo ng bigas lalo pang tumaas
August 22, 2018

Dating ARMM Governor Ampatuan panasamantalang nakalaya

Dating ARMM Governor Ampatuan panasamantalang nakalaya

Pansamantalang nakalaya ang isa sa pangunahing akusado sa 2009 Maguindanao Massacre na si dating Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan.

Ito, ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesman Xavier Solda, ay upang dumalo sa kasal ng kanyang anak na babae.

Pinayagan aniya ng Korte na makadalo si Ampatuan sa kasal ng anak sa Sofitel Hotel, Pasay City, simula alas kwatro ng hapon hanggang ala syete kagabi.

Bago mag-ala-syete ay nakabalik na ang dating gobernador sa kanyang selda sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

November 23, 2009 nang pagbabarilin ng mga tauhan umano ng mga ampatuan ang limampu’t walo katao kabilang ang ilang miyembro ng kanilang kaaway sa pulitika na pamilya mangudadatu at tatlumpu’t  dalawang  mamamahayag.

Comments are closed.