35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Bong Go inakusahan ni Gary Alejano na gumamit ng government fund sa pangangampanya

- Advertisement -

Inakusahan ni opposition senatorial candidate at Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano si administration candidate at dating special assistant to the president Christopher “Bong” Go na gumagamit umano ng pondo ng gobyerno sa pangangampanya.

Partikular na tinukoy ni Alejano ang pondong ginamit sa pagpapagawa ng mga campaign t-shirt na may mukha at pangalan ni Go na ipinamigay sa liga ng mga barangay national assembly.

Ayon sa kongresista, kasama ang t-shirt sa 13,800 hanggang 19,000 pesos na registration fee ng mga barangay official na isang paraan ng paggamit sa pondo ng gobyerno.

Paglabag anya sa batas ang paggamit sa pondo ng gobyerno bilang campaign funds.

Iginiit din ng mambabatas na hindi dapat ginagamit ang mga barangay official sa pangangampanya.


Akusasyon sa paggamit umano ng pondo ng gobyerno sa pangangampanya itinanggi ni Bong Go

Itinanggi ng administration senatorial candidate na si Bong Go ang akusasyon na pondo umano ng gobyerno ang kanyang ginagamit sa pangangampanya.

Ayon kay Go, nagmula sa kanyang mga supporter ang pondong ginamit sa pagpapagawa at pamamahagi ng mga campaign t-shirt kung saan nakalagay ang kanyang mukha.

“Wala po akong idea sa mga giveaways na inipit doon sa liga ng mga barangay. Anong government funds used sa candidacy ko? Kahit piso po wala pong magagamit. Marami pong tumutulong sa amin. Hindi ko na po kailangan gumamit ng government funds. Maraming naniniwala sa amin ni Pangulong Duterte.”

Hinimok naman ng dating assistant to the president ang kanyang mga taga-suporta na iwasan na lamang maglagay o mamahagi ng mga campaign material tulad ng mga t-shirt at poster.

“I discourage na nga po. Wag na kayong maglagay ng mga posters ko, mga t-shirts. Pakiusap. Ang daming bumabatikos. Pakiusap po. Hindi ko na po kailangang ilagay yung mga posters ko Ako na po ang nakikiusap.”

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -