29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Beermen champion sa PBA Commissioner’s Cup 2019

- Advertisement -

Itinanghal na kampeon sa PBA Commissioner’s Cup ang koponang San Miguel Beermen.

Ito’y makaraang mailampaso ng Beermen ang TNT Tropang Texters sa game 6 sa score na 102-98 sa naging laban nito kagabi.

Nanguna sa pagkapanalo ng Beermen ang pinagsanib na puwersa nila five-time Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo at import na si Chris McCullough na nakapagbuslo ng 35 at 19 na puntos.

Idagdag na rin dito ang 18 puntos na naibuslo ni Christian Standhardinger na siyang naging daan para sa kanilang kampeonato.

Kasunod nito, itinanghal din bilang MVP ng PBA Press Corps Honda sa finals si Terrence Romeo na gumawa ng 10 punto sa huling laro nito.

Subalit tumatak kay Romero ang 29 na puntos na naibuslo nito noong game 2 na siyang pinakamagandang performance nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -