Saturday, May 18, 2024

Pagwawalang-bahala ng Chinese warships sa pagdaan sa Sibutu Strait inaasahang ipararating ni Duterte kay Xi

- Advertisement -

Kumpiyansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maipararating ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang pagwawalang-bahala ng mga barkong pandigma ng Tsina sa pagdaan nito sa Sibutu at Balabac Straits, kamakailan.

Ito’y ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato ay sa harap ng ika-limang pagbisita ni Pangulong Duterte sa China sa huling bahagi ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay Detoyato, may kakaibang istilo aniya ang pangulo pagdating sa foreign policy at diplomacy kaya’t tiwala siyang maidudulog nito kay President Xi ang usapin sa positibong pamamaraan.

Una rito, napikon na si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa tila pambabastos ng mga Chinese warship sa mga umiiral na batas ng Pilipinas nang hindi nito pansinin ang pagsaway sa kanila ng AFP.

Bagama’t hindi naman aniya masama ang pagdaan ng mga barko sa Sibutu Strait ng walang paalam bilang ito naman aniya’y daanan talaga ng mga barko, giit ni Lorenzana sa mga daraang warship tulad ng sa China na huwag namang patayin ang kanilang Automatic Identification System (AIS).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -