29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Baguio: Panawagan ni Governor Diclas ng Benguet sa mga senior citizen na magpabakuna

- Advertisement -

Nanawagan si Governor Melchor Diclas sa mga tiga Benguet na may edad 60 at pataas na bigyang proteksyon ang kalusugan laban sa COVID 19 sa pamamagitan ng pagbabakuna o pagkuha ng booster shots. Kasabay nito ang panawagan ng butihing gobernador sa mga di pa nakakompleto ng pagbabakuna.

Visit RPN DZBS Baguio

Sinabi ni Diclas, kahit na nakakuha na kayo ng dalawang besis na pagbabakuna, kinakailangan pa rin magpabakuna ng booster shots upang di tablan ng iba’t ibang variants ng COVID 19.

Ayon sa Gobernador, ang mga nagnanais na magpabooster shots ay maaring magpunta sa pinamalapit na mga Health Station sa inyong mga lugar upang malaman ang schedule at lugar ng pagbabakuna. Naniniwala si Diclas na sa pamamagitan ng booster shots, ito ay magbibigay ng kalusugan, trabaho at pagbabalik escuela sa mamayan ng probinsiya ng Benguet. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -