31.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Baguio: Mga dati at bago na nahalal opisyales ng Probinsiya sa Benguet nanumpa na

- Advertisement -

Mga dati at bagong halal na uupo sa probinsiya ng Benguet na opisyales nanumpa sa harap ng isang Executive Judge Regional Trial Court sa Benguet at sa Deputy Provincial Prosecutor at OIC Prosecutor. Ang mga nanumpa ay sinamahan ng kani-kanilang mahal sa buhay upang ito’y masaksihan na sila ay uupo sa tanghali ng Hunyo 30, 2022.

Visit RPN DZBS Baguio

Si Gobernador Dr. Melchor D. Diclas, ang nanguna sa lahat, ito na ang kanyang ikalawang termino bilang gobernador ng probinsiya.  Ang nahalal na bise gobernador si Erickson “Tagle” Felipe ay nanumpa na rin.  Ginanap ang panunumpa sa mga opisyales sa kauna-unahan pagkakataon sa Benguet Sport Complex, Wangal, La Trinidad, Benguet.

Si Judge Marietta Brawner Challing, Executive Judge RTC-Benguet at Deputy Provincial Prosecutor at OIC Prosecutor ng Benguet Benedict Pataras ang naging tagapangasiwa sa panunumpa. Ang mga opisyales na bumobuo membro ng Sangguniang Panlalawigan ay sina Marie Rose Fongwan-Kepes, Fernando Balaodan Sr., Atty. Robert Canuto, Atty. Ruben Paoad, Neptali Camsol, Joel Tingbaoen  Jr., Florencio Bentres, Alexander Fianza, Atty. Johannes Amuasen at  si Atty. Juan Molitas Nazarro Jr.

Ang nahalal na Congressman Eric Yap ay di nakadalo sa di inaasahan pangyayari pero ito’y nagpahiwatig ng kanyang  mensahe na  ang pagtutulong ang kailangan na gawin sa pag-unlad sa probinsiyang minamahal. (Joel Cervantes)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -