Baguio: Bagong Regional Director ng PRO-COR meron habilin sa mga motorista

0
0

Sa kaugnay na balita, PRO-COR Regional Director Police Brigadier General Mafelino Bazar binilin ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-obstruction sa mga nasasakupang ng mga Police commanders sa Rehiyon Cordillera.

Visit RPN DZBS Baguio

Ang hakbang ay ibinaba ni Bazar sa lahat ng Police commanders sa Rehiyon Cordillera na makipag usap ang mga ito sa mga lokal gobierno sa kanilang Area of Jurisdiction upang maisagawa ang Anti-Road Obstruction Ordinances.

Ito ay isinasagawa dahilan sa mga reklamo ng mga motorista na ang mga gilid ng mga kalsada ay ginagamit bilang parking space.

Ayon kay Bazar, maliban sa Lokal na Pulisiya , at mga Local Government Units, katuwang din nila ang Land Transportation Office sa pagsasagawa ng Anti – Road Obstruction upang maging maluwag ang mga daanan at maging malaya  ang mga sasakyan sa paggamit ng mga ito.

Ang hakbang ay inaasahang makakatulong sa mga motorista na maging traffic free ang mga pangunahing mga lansangan sa Rehiyon Cordillera.

Kaalinsabay nito, kanya ding binilinan ang mga drivers ng iba’t ibang uri ng sasakyan na sumunod sa batas trapiko upang di mahuli at magmulta sa mataas na halaga.

Sa kaugnay na balita, sinimulan na ng La Trinidad Police Station ang pagbabaklas ng plaka sa mga pangunahing lansangan ng nasabing munisipio.

Ito ang tugon ng La Trinidad Municipal Police Station sa panawagan ni Police Regional Office-Cordillera Regional director Police Brigadier General Mafelino Bazar. Layon ng hakbang na isanagawa na mapawi ang road obstruction at maging Malaya sa mabigat na trapiko ang papasok at palabas ng nasabing munisipio.

Sinimulan na rin ng ibang LGU’s sa Benguet ang pagsunod sa direktiba ng nasabing Police Regional Office Cordillera Regional Director. (Joel Cervantes, photo courtesy of PRO-COR PIO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here