Baguio: Bagong Provincial Director ng PNP Benguet binisita ang MPS Tublay

0
0

Tublay, Benguet – Ang Tublay Municipal Police Station,  binisita ni Benguet Police Provincial Director Colonel Damian Olsim. Nanawagan si Benguet Provincial Police Office Provincial Director Police Colonel Damian Olsim sa mga miyembro ng Tublay Municipal Police Station na dapat na gawin nila ang kanilang sinumpaan tungkulin upang mapanatili ang kapayapaan sanabing munipalidad.

Visit RPN DZBS Baguio

Ayon kay Olsim ,matatamo lamang ng mga ito kung susunod lang sila sa mga programa at tagubilin ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr.

Sinabi niya na 70 persento sa mga tauhan ng Tublay Municipal Police Station ang nakalabas upang magsagawa ng kanilang tungkulin tulad ng pagroronda na gamit ang kanilang mga mobile cars, ang pagsasagawa ng foot patrol, ng check point, police visibility, ang paghawak ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng municipyo, at ang paggunita ng Police Community Relations month at iba pa.

Kanyang idinagdag na ang mga ito ay isinasagawa upang madama ng mga mamayan ang presensia ng lokal na pulisiya.

Sinabi ni Olsim na dapat ang mga Police commanders ang makauna sa pangyayari tulad ng aksidente sa kanilang Area of Responsibility. (Joel Cervantes, photo courtesy of MPS Tublay)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here