33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Alert level sa Marikina River ibinaba na

- Advertisement -

Tinanggal na ang alert level sa Marikina River.

Ito ay matapos ianunisyo ng Marikina Public Information Office na bumaba na sa 14.9 meters ang lebel ng tubig sa ilog kaya’t binawi na ang alert level 1 — na unang itinaas, kagabi.

Itinataas ang alert level 1 kapag sumampa sa 15 meters ang antas ng tubig sa Marikina River.

Nangangahulugan ito na pinaghahanda ang mga residente sa posibleng paglikas.

Samantala, tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Marikina na mananatili silang naka-alerto hangga’t hindi tuluyang bumababa sa 14 meters ang tubig sa Marikina River.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -