August inflation rate pumalo sa 6.4%
September 5, 2018
P2 per minute charge ng TNVS aprubado ng LTFRB
September 6, 2018

DXDX GenSan
3rd Mango Congress Ng Region XII, isinagawa ngayong araw!

Mahigit 200 na mga Mango Stakeholders ang aasahang dadalo sa 3rd Mango Congress in Region 12 sa pangunguna ng Department of Agriculture 12 at Mango Industry Development Counci; Inc. 12 na gaganapin sa lungsod ng Heneral Santos kung saan tatagal ito ng dalawang araw na may temang Enforcement of Quality Mango Production to Meet the Challenge in Global Market.

Sa pahayag naman ni Regional Executive Director Engr. Milagros Casis ng DA12, tanging hangarin umano nila ay maging globally competitive ang kanilang produktong manga at kanila rin pinagsisikapan na matugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng Mango Industry lalong-lalo na sa antas ng lebel ng produksyon sa rehiyon.

Dagdag pa ng opisyal, ito ay upang mapabuti ang kalagayan ng Mango industry sa rehiyon, ang kongreso ay magbibigay rin ng mga paksa ukol sa produksyon at teknolohiya kagaya lamang ng Mango Nutrition Management at Recommended Activities on Critical Stages on Mango Production kung saan magbabahagi ng kanyang mensahe si Board Member Rolando Sacdalan ng North Cotabato ukol sa proper mango farm management sa mga mango growers.

Inimbitahan rin ng mga organizers ang ilang malalaking korporasyon at mga business farms upang maghatid ng impormasyon tungkol sa market requirement at pamantayan sa kanilang mga produkto, isa na rito ang DOLE Phil, Seabest at Mega Farms. Sa ikalawang araw ng aktibidad ang lahat ng partisipante ay bibigyan ng oportunidad na magbigay ng kanilang mga panukala at ilang polisiya upang higit pa itong mapabuti ang industriya ng mangga.

Noong taong 2015, aabot sa 58, 595 metric tons’ ng mangga ang naani sa mahigit 17, 000 ektarya ng punong manggang pananim sa buong   SOCCSKSARGEN, at umaasa naman ang opisyal n asana maging masagana pa ang magiging ani sa susunod na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *