Zamboanga:Kinilala sa United Kingdom ang Isang Nars na Zamboangueña Dahil sa Magiliw na Pangangalaga sa mga Bata

0
3

Nakatanggap ng pambansang pagkilala sa United Kingdom ang Zamboangueñang *anaesthetic nurse* na si Raquel Duncombe dahil sa kanyang makabagong pamamaraan upang gawing mas angkop at hindi nakakatakot sa mga bata ang serbisyong medikal; pinarangalan siya ni Mayor Khymer Olaso sa seremonya ng pagtataas ng watawat sa City Hall noong lunes, Hulyo 27.

Iginawad kay Duncombe ang *Protector of Play Award* sa 2025 Starlight Play in Healthcare Awards* dahil sa paggamit niya ng laro upang maibsan ang pagkabalisa at takot ng mga bata habang sumasailalim sa mga medikal na pamamaraan.

Nagtatrabaho sa Princess Royal University Hospital sa Orpington, humigit-kumulang na labing lima (15) hanggang dalawang pu (20) na pasyenteng bata ang kanyang inaasikaso buwan-buwan para sa mga agarang medikal na pamamaraan. Gumagamit siya ng *Starlight Distraction Box* at iba pang mapaglarong pamamaraan upang gawing mas kalmado at hindi gaanong nakaka-trauma ang karanasan ng mga bata sa yugto ng operasyon (*perioperative experience*).

Siya ay nagtapos sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU), nakuha ni Duncombe ang kanyang degree noong 2015 at nagtrabaho sa Pilipinas bago lumipad sa United Kingdom. Mayroon na siyang halos limang taong karanasan sa larangan ng *anaesthetics* at dati ring nagtrabaho bilang *scrub nurse*.

Ang pagkilalang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mahabagin at makabagong serbisyo ng *nursing* sa pagpapabuti ng karanasan ng mga bata sa pangangalagang pangkalusugan, habang itinataguyod ang mas ligtas at mahusay na pag-aalaga sa pasyente.

Ronda Algie Rojas.

Leave a Reply