Tinapos na ng lungsod ang mga paghahanda para sa ika-4 na ZC Paragames 2026; deadline ng mga kalahok ay sa darating na Agosto 18. Kumpleto na ang mga paghahanda para sa ika-4 na paragames 2026. Na gaganapin ang aktibidad sa Agosto 19, 2026, mula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Mayor Joaquin F. Enriquez Jr. Memorial Sports Complex.
Maaaring magtanong ang mga interesadong kalahok sa kani-kanilang PWD Field Coordinator para sa kumpletong detalye at mga tuntunin ng bawat paligsahan.
Ang huling araw ng pagsusumite ng mga kalahok ay sa Agosto 18, 2026 (Martes), ganap na ika-12:00 ng tanghali sa opisina ng Persons with Disabilities Affairs Unit (PDAU).
Anim na paligsahang pampalakasan ang gaganapin ngayong taon:
– Athletics
– Badminton
– Chess
– Goalball
– Sitting Volley ball
– Swimming
Ibinahagi ng mga tagapag ayos na sa ikatlong sunod na taon, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matiyak na magiging komportable at inklusibo ang aktibidad para sa lahat ng kalahok. (Algie Rojas)
Source: PDAU Office.
