Isang suspek sa droga ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation. Na nagresulta sa pagkasamsam ng humigit-kumulang na 100 gramo ng pinaghihinalaang shabu, na may tinatayang halaga sa merkado na 680,000 Pesos. Nangyari ang insidente kamakailan sa kahabaan ng Don Alfaro Street, Barangay Tetuan, Zamboanga City.
Pinangunahan ang operasyon ng Phillippine Drug Enforcement Agency Regional Office IX (PDEA RO9), sa pamamagitan ng kanilang Zamboanga City Office – City Drug Enforcement Unit (ZCPO-CDEU) at ang Police Regional Mobile Force Battalion 9 (RMFB 9).
Ang naaresto ay kinilala sa alyas “kol”, 27 taong gulang, may asawa at residente ng Barangay Sta. Barbara, Zamboanga City.
Nasamsam sa naturang operasyon ang dalawang transparent na plastic pack na selyado sa pamamagitan ng init (heat-sealed), na naglalaman ng mga puting kristal na pinaghihinalaang shabu, na may tinatayang bigat na 100 gramo.
Narekober din ang perang ginamit sa buy-bust, isang puting paper bag, isang mobile phone at isang driver’s license.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Algie Rojas)
Source: PDEA RO IX
