Ang Police Regional Office (PRO) 9, sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Elmer E. Ragay, ay naghain ng reklamong kriminal para sa kasong pagpatay (murder) laban sa tatlong suspek na may kaugnayan sa pamamaril sa isang hukom sa Zamboanga City.
Inihahin ang reklamo sa Zamboanga City Prosecutor’s Office bandang 12:36 PM noong Nobyembre 14, 2026, kasunod ng masusing imbestigasyon na isinagawa ng Special Investigation Taak Group (SITG) “Wee Sit.”
Ang reklamo ay sinuportahan ng mga *judicial affidavit* at iba pang dokumentaryo at *forensic evidence* na nakalap ng mga imbestigador kabilang sa mga inirereklamo ang isang natukoy na suspek, na pinaghihinalaang siyang bumaril, at dalawa pang hindi pa nakikilalang indibidwal na pinaniniwalaang nagsilbing drayber ng motorsiklo at drayber ng sasakyang ginamit sa pagtakas.
Binigyang-diin ni PBGen Ragay na ang paghahain ng reklamo ay sumasalamin sa dedikasyon ng PRO 9 na makamit ang hustisya sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon, pagbuo ng kaso batay sa matibay na ebidensya, at mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng mga kinauukulang yunit. Inatasan niya ang mga imbestigador na ipagpatuloy ang lahat ng kinakailangang hakbang upang palakasin ang kaso at tiyakin ang pananagutan sa harap ng batas. (Algie Rojas)
Source: PNP Police Regional Office 9
