ZAMBOANGA: SUNOG SA TUGBUNGAN, NAGDULOT NG P4M HALAGA NG PINSALA

    0
    5

    Nagsagawa ng pagtatasa at pag-profile ang mga kawani mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) noong Lunes, Nobyembre 2, para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa Tugbungan, bilang paghahanda sa pagbibigay ng kinakailangang tulong.

    Kaugnay nito, tinatayang nasa P4 na milyon ang halaga ng mga ari-ariang napinsala sa sunog, ayon sa Bureau of Fire Protection – City Fire Department.

    Batay sa paunang ulat ng CSWDO, hanggang alas-11 ng umaga noong Lunes, nasa 253 bahay ang tuluyang natupok, habang 3 iba pa ang bahagyang napinsala. Umabot sa 256 na pamilya na binubuo ng 768 indibidwal ang nawalan ng tirahan.

    Samantala, nagbigay din ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng mga lalagyan ng tubig (gerry cans), at naglagay ng mga pansamantalang palikuran at tangke ng tubig para sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa Tugbungan Elementary School.

    Inatasan ni Mayor Khymer Olaso ang lahat ng kinauukulang kagawaran ng lungsod na magbigay ng lahat ng kinakailangang suporta at tulong upang maibsan ang hirap na dinaranas ng mga apektadong pamilya.

    Nagpaabot din ng tulong ang iba pang ahensya at organisasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga relief goods para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.

    Sa ngayon patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng BFP upang matukoy ang sanhi ng naturang sunog. (Algie Rojas)

    Source: City Government of Zamboanga.

    LEAVE A REPLY