ZAMBOANGA: P5.2 MILYONG HALAGA NG MGA SMUGGLED NA SIGARILYO NAREKOBER NG MGA AWTORIDAD SA FINGER WHARF NG ARENA BLANCO

    0
    9

    Umabot sa P5.2 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang kinumpiska ng mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 6 (ZCPS6) Tetuan noong Lunes ng madaling araw Nobyembre 2, 2026 sa finger wharf na matatagpuan sa Lapu-Lapu drive Barangay Arena Blanco Zamboanga City.

    Ayon sa mga awtoridad walang nadakip sa naturang operasyon dahil mabilis na tumakas ang naturang grupo sa iba’t ibang direksyon hanggang ngayon ay hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga ito.

    Ayon sa impormasyon nagbubuhat ng mga kahon ang mga grupong ito ipinag-iwanan ng mga suspek ang ihahatid sanang kontrabando nang mapansin nila ang pagdating ng mga kapulisan.

    Narekober ng mga awtoridad ang 80 master cases ng iba’t-ibang brand ng mga smuggled na sigarilyo na may market value na nagnakakahalaga ng 5.2 Million Pesos.

    Nakipagtulungan ang Zamboanga City Police Station 6 (ZCPS6) Tetuan sa Zamboanga City Police Station 12 (ZCPS12). Sa ngayon ang mga nakumpiskang Smuggled na Sigarilyo ay nasa impilan na ng pulisya para sa naturang dokumentasyon at Safekeeping, at nakipag-ugnayan na rin sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) para sa nararapat na disposisyon.

    Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 6 (ZCPS6) Tetuan para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga naturang grupo at ang may-ari at shipper ng kinumpiska nilang Smuggled na Sigarilyo. (Algie Rojas)

    Photo: Zamboanga City Police Station 6 (ZCPS6) Tetuan.

    LEAVE A REPLY