ZAMBOANGA: ‘SERBISYO CARAVAN’ SA BARANGAY BALIWASAN

0
3

Kasunod ng matagumpay na paglunsad nito sa Arena Blanco, Mampang, at Talon-Talon, ang mga Retooled Community Support Program (RCSP) ay pumunta sa Barangay Baliwasan Miyerkules Hunyo 17, na nagpapalawak ng mga serbisyo ng gobyerno at community engagement initiatives sa mas maraming residente.

Pangungunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Zamboanga City sa Pangunguna ni Director Alvin Rex Lucero at City Government ang aktibidad sa Angara Building sa loob ng Zamboanga Peninsula Polytechnic State University (ZPPSU) campus sa Barangay Baliwasan.

Noong nakaraang Hunyo 5 sa Talon-Talon, daan-daang residente ang nag-avail ng iba’t ibang serbisyong ibinibigay ng lokal at pambansang ahensya ng pamahalaan sa panahon ng aktibidad. Kabilang sa mga serbisyong iniaalok ay ang medical consultations at checkups, libreng gamot, gupit, rice distribution, social welfare assistance, birth registration, National ID services, property assessment, waste segregation information campaigns, banca registration, distribution ng vegetable seedlings, fisheries and agriculture consultations, at iba pang frontline government services.

Habang ang dayalogo sa Ugnayan sa Barangay ay nagbigay din ng pagkakataon sa mga residente na maglabas ng mga isyu at alalahanin sa pag-unlad, na nagpapahintulot sa mga opisyal ng gobyerno na mangalap ng mga input para sa pagpapahusay ng Barangay Development Plan (BDP).

Inaasahang magpapatuloy ang Serbisyo Caravan at Ugnayan sa Barangay ng RCSP sa iba pang natukoy na Barangay sa mga susunod na araw bilang bahagi ng grassroots governance and development initiatives ng lungsod.(Algie Rojas)

Source: City Government of Zamboanga

Leave a Reply