Pinangunahan ni PCOL FIDEL B. FORTALEZA JR., City Director ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), ang seremonya ng paggawad ng parangal noong lunes Setyembre 7, 2026, sa ZCPO Headquarters sa Don Pablo Lorenzo Street, Zamboanga City, kinilala rito ang mga indibidwal na ang katapangan, mabilis na pagtungon, at mapagpasyang mga aksyon ay nakatulong nang malaki noong naganap ang insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) Junior High School.
Ginawaran ng Certificate of Commendation ang mga sumusunod dahil sa kanilang mabilis na pagtugon, katapangan, at dedikasyon sa tungkulin:
JO2 ALLAN V. ANDRADE
PMAJ RENE CENIZA
PMAJ JOSE SIMON
Samantala, iginawad naman ang Certificate of Appreciation kina:
PCOL JOSE BAYANI GUCELA
(Ret.)
MR. CLINT S. SENOSA
Ang mga parangal ay ibinigay bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang kahanga-hangang dedikasyon, katapangan, at walang-pag-iimbot na pagkilos bilang mga *first responder * noong naganap ang insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) Junior High School, Barangay Tumaga, Zamboanga City, noong Agosto 18, 2026. (Algie Rojas)
Source: PNP Zamboanga City Police Office.
