ZAMBOANGA: PBBM TURNS OVER P19.6-M SOCIO-CIVIC FUND PARA SA ZAMBOANGA CITY SCHOLARSHIP PROGRAM

0
4

Pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang pamamahagi ng Socio-Civic Project Funds (SCPF) para sa mga local government units sa Zamboanga Peninsula sa Programang “Bawat Bayan Makikinabang:Zamboanga Peninsula” noong Hunyo 29 sa Western Mindanao State University.

Natanggap nina Mayor Khymer Olaso at Liga ng Barangay President Councilor Jordan Evangelista ang P19.6-Million na tulong para sa Zamboanga City, na pantay na ipapamahagi sa 98 Barangay ng Lungsod. Bawat Barangay ay tatanggap P200,000 para pondohan ang mga programa sa iskolarship at iba pang community development initiatives. Sa ilalim ng programa, inaasahang susuportahan ng bawat Barangay ang limang Presidential Scholars na tatanggap ng tig-P20,000 na tulong sa edukasyon. Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga iskolar na mag-aral ng mabuti, maging mahusay sa kanilang pag-aaral, at gamitin ang pagkakataon upang bumuo ng isang magandang kinabukasan para sa kanilang sarili at sa kanilang mga komunidad.

Pinasalamatan ni Mayor Olaso si Pangulong Marcos at ang pambansang pamahalaan para sa tulong, na binigyang diin na ang pagtutulungan sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalaan ay nagbibigay daan sa mga programang nagdudulot ng pag-asa at makabuluhang pagkakataon sa mga komunidad na maabot amg mga benepisyaryo nang mas epektibo. Dumalo rin sa programa sina Zamboanga Del Norte Governor Darel Dexter T. Uy, Zamboanga Sibugay Governor Divina Grace C. Yu, Zamboanga Sibugay Governor Dulce Ann K. Hofer, District 1. Congresswoman Katrina Chua, District 2. Congressman Jerry Perez, at iba pang opisyal ng Gobyerno mula sa Buong Rehiyon. (Algie Rojas)

Source: City Government of Zamboanga.

Leave a Reply