Nagtipon-tipon noong Martes, Nobyembre 17, ang mga kinatawan mula sa mga pambansa at lokal na ahensya ng gobyerno, mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee, akademya, at iba pang mga stakeholder para sa isang-araw na Disaster Resillence Summit. Layunin nitong pag-isahin ang mga pagsisikap upang palakasin ang paghahanda sa sakuna at ang katatagan ng komunidad.
Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (ZCDRRMO), ang summit na may temang “pagpapalakas ng mga Ugnayan para sa Mas Ligtas at Matatag na Komunidad” ay ginanap sa isang lokal na hotel sa Lungsod ng Zamboanga at magpapatuloy hanggang Nobyembre 19.
Binigyang-diin ni Mayor Khymer Olaso na kinatawan ni Executive Assistant Rosendo Castillo III ang suporta ng lungsod sa mga inisyatibang nagpoprotekta sa mga buhay, nangangalaga sa mga komunidad, at nagpapatatag sa lokal na kakayahang humarap sa sakuna. Ang alkalde ang namumuno sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), na lubos na sumusuporta sa summit.
Ayon kay Dr. Elmier Apolinario, pinuno ng ZCDRRMO, ang summit ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng tanggapan na isulong ang disaster risk reduction and management sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kakayahan (capacity building), paggawa ng mga desisyong nakabatay sa pagsusuri ng panganib, at mas matibay na kolaborasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya.
Ang unang araw ng summit ay nakatuon sa pag-unawa sa mga panganib na dulot ng sakuna, kasama ang mga tagapagsalita mula sa Office of Civil Defense-9 at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
