ZAMBOANGA CITY POLICE OFFICE (ZCPO) MAHIGPIT NA SINUSUBAYBAYAN ANG IMBESTIGASYON SA PAMAMARIL SA BARANGAY. LUNZURAN

    0
    3

    Pinangunahan ni PCOL Nordave V. Calderon, ang Officer-in-Charge ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), ang isang case conference noong umaga ng Nobyembre 18, 2026, sa ZCPO Conference Room. Layunin nito na suriin ang mga pinakabagong kaganapan sa patuloy na imbestigasyon sa insidente ng pamamaril noong Nobyembre 16, sa Zone 6, Lunzuran-Tumaga Bypass Road, Barangay Lunzuran.

    Mahigpit na binabantayan ni PCOL Calderon ang takbo ng kaao. Inatasan niya ang mga imbestigador at mga kaugnay na yunit na pabilisin ang pagbuo ng kaso, paigtingin ang mga operasyon sa pagtugis sa mga suspek, at gamitin nang lubos ang lahat ng makakalap na impormasyon upang agad na matukoy at mahuli ang mga salarin.

    Nananatiling lubos na nakatuon ang ZCPO sa mabilis na paglutas sa insidente at sa pagkamit ng hustisya para sa naulilang pamilya. (Algie Rojas)

    Source: PNP Zamboanga City Police Office.

    LEAVE A REPLY