Sinusuri ng mga opisyal ng Barangay Escopa IV sa Quezon City, sa pangunguna ni Barangay Chairperson Laila Arsega, ang mga estratehiya ng Zamboanga City sa pamamahala ng solid waste sa pamamagitan ng isang linggong aktibidad para sa benchmarking at pagbabahagi ng kaalaman.
Nagsagawa ng courtesy visit sina Arsega at ang delegasyon ng Barangay kay Mayor Khymer Olaso sa City Hall bilang simula ng kanilang pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lungsod. Ang aktibidad na tatagal hanggang Biyernes Setyembre 11, ay naglalayong bigyan ang delegasyon ng praktikal na kaalaman at mga estratehiya mula sa Zamboanga City na maaaring gamitin upang mapalakas ang pamamahala ng solid waste sa kanilang komunidad.
Nagpahayag ng pasasalamat si Arsega sa maiinit na pagtanggap ni Mayor Khymer Olaso at sa pagkakataong matuto mula sa karanasan ng lungsod sa pagpapatupad ng mga inisyatibo sa pamamahala ng solid waste. Nag-abot din siya ng sertipiko ng pagpapahalaga kay Mayor Olaso sa nasabing pagbisita.
Kasama ni Arsega ang mga Barangay Kagawad ng Escopa IV, ang Sangguniang Kabataan, Barangay tresurer, at Barangay Secretary. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
