Pinanumpa ni Mayor Khymer Olaso noong hapon ng Lunes, Agosto 24, si Dr. Maricor Marquez bilang bagong presidente ng Colegio de la Ciudad de Zamboanga (CCZ).
Isinagawa ang seremonya ng panunumpa sa conference room ng Zamboanga City Hall, kung saan pormal na itinalaga si Marquez bilang bagong pinuno ng Kolehiyong pinatatakbo ng lungsod kasunod ng pagpanaw ng dating presidente ng CCZ na si Jose Gerano Yap-Aizon.
Taglay ni Marquez ang malawak na karanasan sa * higher education* at administrasyon; nagsilbi siya sa CCZ sa loob ng 11 taon sa iba’t ibang mahahalagang posisyon bago siya naging itinalagang presidente ng Pagadian City International College, kung saan siya nanungkulan nang halos dalawang taon.
Ang kanyang pagkakatalaga ay hudyat ng kanyang pagbabalik sa CCZ, kung saan dati siyang humawak ng ilang posisyon sa pamumuno at nagkaroon ng karanasan sa pangangasiwa ng institusyon. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
