Nanawagan si Mayor Khymer Olaso ng karagdagang tulong mula sa pambansang pamahalaan upang suportahan ang pagtatayo at pagpapabuti ng mga pasilidad ng paaralan sa buong Zamboanga Peninsula. Binigyang-diin niya ang pangangailangang magbigay sa mga bata ng mas mahusay na mga pagkalataon sa pag-aaral at protektahan sila mula sa mga mapaminsalang impluwensya.
Inilahad ni Mayor Olaso ang panukalang ito sa pagpupulong ng Regional Polulation and Development Coordinating Committee (RPDCC-9) para sa ikaapat na kwarter, na ginanap sa isang Hotel sa Barangay Tumaga noong hapon ng Martes, Nobyembre 10.
Hiniling niya sa mga miyembro ng komite na isaalang-alang ang paghahain ng isang resolusyon na humihimok sa pambansang pamahalaan na magkaloob ng karagdagang suporta para sa mga imprastrakturang pang- edukasyon, partikular na ang mga gusali ng paaralan sa buong rehiyon.
Binigyang-diin ni Mayor Olaso na ang pagtatanim ng halaga ng edukasyon sa mga bata ay mahalaga sa paghubog ng kanilang kinabukasan at paglayo sa kanila mula sa pagsasamantala at iba pang mga ilegal na gawain.
Ang panukala ay iniharap para sa pagsasaalang-alang kina RPDCC-9 Chairperson at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-9) Regional Director Engr. Alan Bacatan; Commission on Population and Development (CPD-9) Regional Director at kalihim ng komite na si Leticia Dolores II Abao; at iba pang mga miyembro ng komite.
Bilang isang komiteng kaakibat ng Regional Development Council (RDC-9), ang RPDCC-9 ay nagsisilbing tagapag-ugnay na lupon para sa mga inisyatiba sa populasyon at pag-unlad sa rehiyon. (Algie Rojas.)
Source: City Government of Zamboanga.
