ZAMBOANGA: LUNGSOD AT GCASH, NAGKASUNDO PARA PADALIIN ANG PAGBIBIGAY NG TULONG-PINANSYAL SA MGA MAG-AARAL

    0
    6

    Nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod sa GCash upang padaliin ang pagbibigay ng tulong-pinansyal para sa edukasyon. Ipinakilala ang isang digital na sistema ng pamamahagi na sinimulan sa mga mag-aaral sa kolehiyo ng Colegio de la Ciudad de Zamboanga (CCZ) noong inilunsad ito Huwebes ng umaga Nobyembre 19.

    Nilagdaan ni Mayor Khymer Olaso ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang GCash sa paglulunsad ng “Fund Disbursement Partnership” sa CCZ-Ayala Campus. Pormal nitong itinatag ang ugnayan upang mapadali ang pamamahagi ng tulong sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng tulong sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang GCash account.

    Saklaw ng paunang pagpapatupad (pilot implementation) ang mga mag-aaral sa kolehiyo ng CCZ na dumalo sa seremonya ng paglulunsad. Inaasahang palalawakin ang digital na sistemang ito para sa iba pang mga kwalipikadong benepisyaryo sa mga susunod na yugto, kabilanga ang mga mag-aaral sa ilalim ng programang K-12.

    Ang tulong-edukasyon ay ibinibigay alinsunod sa City Ordinance No. 908, na nagkakaloob ng P750 bawat semestre sa mga kwalipikadong mag-aaral ng CCZ ay tumanggap ng P1,500 bawat isa sa pamamagitan ng kani-kanilang GCash account.

    Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Olaso ang dedikasyon ng pamahalaang lungsod na suportahan ang mga mag-aaral at pagaanin ang mga hamong pinansyal na kanilang kinakaharap sa pag-aaral. Hinikayat din niya ang mga benepisyaryo na manatiling nakatuon sa kanilang pag-aaral at gamitin nang wasto ang tulong na ipinagkaloob ng lungsod.

    Sa ilalim ng parehong ordinansa, ang mga kwalipikadong mag-aaral sa K-12 ay may karapatan din sa P1,000 bawat taon ng pag-aaral upang makatulong sa mga gastusin para sa mga kagamitang pampaaralan at uniporme.

    Sa pamamagitan ng pakikipagtulungang ito, layunin ng pamahalaang lungsod na gawing mas maginhawa ang pagbibigay ng tulong-edukasyon sa pamamagitan ng digital na pagtanggap ng pondo, na nagpapadali sa proseso ng pagkuha ng tulong-pinansyal. (Algie Rojas)

    Source: City Government of Zamboanga.

    LEAVE A REPLY