Isang sakuna ang naganap sa Baliwasan Seaside noong gabi ng Oktubre 28, 2026 matapos masunog ang isang *jungkong* o (tradisyonal na bangkang kahoy) na may lulang gasolina at patungo sana ito sa lalawigan ng Basilan.
Ayon sa impormasyon na nakalap, makapal na usok at malaking apoy ang nakitang nagmumula sa isang *jungkong*, na nagdulot ng matinding pagkabahala sa mga residente at sa mga awtoridad sa naturang lugar.
Ang naturang detalye ng sanhi ng sunog, pati na rin ang kalagayan ng mga pasahero at crew kung kamusta na ang kalagayan nila, ay hindi pa opisyal na kinukumpirma sa ngayon ng mga awtoridad.
Inaasahan na maglalabas ng karagdagang detalye ang mga awtoridad kung natapos na ang naturang imbestigasyon. (Algie Rojas).
