Isang delegasyon ng ‘Lakbay Dalangin’ na binubuo ng 46 na miyembro ang nasa Zamboanga City mula Oktubre 26 hanggang 29 para sa isang pilgrimage o paglalakbay-pananampalataya sa mga lokal na sinbahan.
Nagsagawa rin ang grupo ng isang courtesy visit kay Mayor Khymer Olaso sa City Hall.
Ang delegasyon ay binubuo ng 42 miyembro mula sa Batangas at apat mula sa Maynila, sa pangunguna ng mga paring Oblates of St.Joseph na sina Fr. Faiq Quinto at Fr. Cyrus Gonzales.
Sa nasabing pagbisita, nagpapasalamat ang grupo kay Mayor Olaso dahil sa mainit na pagtanggap na ipinagkaloob sa kanila habang isinasagawa nila ang kanilang paglalakbay-pananampalataya sa lungsod.
Ang ‘Lakbay Dalangin’ ay isang programa sa Pilipinas na nakatuon sa pananampalataya, pilgrimage, at espirituwal na paglalakbay na nakasentro sa panalangin, pagninilay, pagpapasailalim sa kalooban ng Diyos, at pasasalamat. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
