Sinuportahan ng Department of Health Zamboanga Peninsula Center for Health Development (DOH- ZPCHD) ang paglulunsad ng School Based Immunization Program na ginanap sa Mampang National High School, Mampang Zamboanga City noong lunes Agosto 24.
Ang programang ito, sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) at Local Government Unit of Zamboanga ay naglalayong protektahan ang mga mag-aaral laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Libre itong ibinibigay sa mga paaralan upang mas madaling maabot ang mga bata at matiyak ang mataas na coverage ng immunization.
Kabilang sa mga bakunang ipinamahagi ang Measles Rubella (MR) at Tetanus Diphtheria (TD) para sa mga mag-aaral sa Grade 1 at Grade 7, gayundin ang Human Papillomavirus (HPV) Vaccine para sa mga babaeng mag-aaral sa Grade 4 upang maiwasan ang cervical cancer sa hinaharap.
Hinihikayat ang mga magulang at tagapag-alaga na magbigay ng pahintulot upang matanggap ang kanilang mga anak ng libreng proteksyon.
Ang SBI ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na mapanatili ang kalusugan ng mga bata at
