Noong umaga ng Martes, Hulyo 21, pormal na binuksan ng SM City Zamboanga ang ikalawang electric vehicle charging station (EVCS) ng SM Supermalls sa Zamboanga City at Region 9, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na isulong ang mas malinis na transportasyon at sustainable mobility sa rehiyon.
Ang bagong charging station na matatagpuan sa Level 3 ng Carpark Building sa kahabaan ng Nuñez Extension, ay pormal na inilunsad sa presensya ni Mayor Khymer Olaso.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Olaso ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaang lungsod at pribadong sektor upang hikayatin ang paggamit ng transportasyong makababawas sa polusyon (eco-friendly), habang tumutulong sa pagbuo ng mas luntian at mas sustainable na Zamboanga City.
Ang EVCS ay bahagi ng SM Green Movement ng SM Supermalls-isang inisyatibo sa sustainability na nagsusulong ng mas malinis na solusyon sa transportasyon at mga gawaing responsable sa kapaligiran sa kanilang mga mall at komunidad.
Ang pasilidad ay nilagyan ng Wallbox Pulsar Plus AC charger na kayang magbigay ng hanggang 7.4 kilowatts ng charging power gamit ang five meter integrated cable, na nagbibigay-daan sa mga compatible na electric vehicle na mag-charge nang maginhawa habang nasa mall.
Ang bagong bukas na pasilidad ay sumusunod sa paglulunsad ng unang EV charging station ng SM Supermalls sa SM City Mindpro sa kahabaan ng La Purisima Street noong Mayo 12, 2026. Kasalukuyang nag-aalok ng libreng charging station para sa mga customer na may compatible na electric vehicle. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga
