ZAMBOANGA: INAPRUBAHAN NG CITY HALL ANG PAGPAPALAWIG NG ‘SAVORES’ MULA HUNYO 26 HANGGANG HULYO 26

0
0

Nagpulong ang mga kinauukulang departamento at ahensya ng lungsod upang suriin ang operasyon ng “Savores de Zamboanga,” ang weekend food hub na nagsimula noong Mayo 22.

Pinangunahan ni Chief of Staff at Secretary to the Mayor Celso Lobregat ang pagpupulong- na ginanap kamakailan sa BOSS Building sa Plaza del Pilar kung saan tinalakay ang ulat at mga natuklasan ng mga tanggapang nagpapatupad ng regulasyon, mga paraan upang mapabuti ang operasyon, at ang pagpapalawig ng Savores de Zamboanga sa bakuran ng City Hall mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 26.

Dumalo sa pagpupulong upang magbahagi ng kanilang mga pananaw sina Business Permits and Licensing Officer Benjie Barredo, Executive Assistant Junty Castillo, Assistant General Services Officer Arch. Rizamay Basing, at mga kinatawan mula sa City Legal Office, City Health Office, City Tourisim Office, City Engineer’s Office, Task Force Ordinance, at Compac- Zamboanga City Police Office. Dumalo rin sa pagpupulong ang 25 Concessionaire. (Algie Rojas)

Source: City Government of Zamboanga.

Leave a Reply