ZAMBOANGA: TURNOVER AND INAUGURATION NG MAIN HEALTH CENTER SA BARANGAY TUMAGA

0
4

Matagumpay ang isinagawang turnover at inauguration ng Main Health Center sa Barangay Tumaga Zamboanga City noong lunes Hunyo 15, 2026. Ayon kay Ms. Gina Garcia Ailani Nurse 2 District Nurse ng Tumaga Health Center ang mga iba’t ibang serbisyong inaalok ng naturang Health Center ay ang Imunization, Prenatal, Maternal pati na Child Care. May bago silang newly trained na Midwife din na nagsasagawa sa pag detech sa cervical cancer prevention at yan ang bagong serbisyo na inaalok sa naturang Health Center.

At nandiyan parin ang Lying-in Clinic na bukas 24/7. Ang Health Center ay mas upgraded na at hindi lang Barangay Tumaga puede rin ang ibang Neighboring Districts gaya ng Lumayang, Lunzuran, at Lumbangan ang makaka avail sa naturang serbisyo.

Ang naturang renovation ng Health Center ay nag kakahalaga ng limang miyong piso. Dumalo rin sa naturang Ribbon Cutting Ceremony si Vice Mayor Beng Climaco, District 2 City Councilor Hannah Nuño, Parish Priest ng Barangay Tumaga, DOH, City Health Office pati na rin ang Tumaga Barangay Council. (Algie Rojas)

Leave a Reply