Radio Philippines Network
Image default
International News

WHO hinimok ang mga bansa na unti-untiin ang pagbabalik sa mga international travels

Hinimok ng World Health Organizations (WHO) ang iba’t-ibang bansa na unti-untiin ang pagtatanggal sa ipinatutupad na mga international travel restrictions.

Ayon sa WHO, dapat na bigyang prayoridad muna sa ngayon ang mga mahahalagang biyahe patungong ibang bansa tulad ng emergencies,  humanitarian actions, essential personnel at repatriation o paglilikas ng mga tao.

Sinabi ng WHO, kinakailangang magsagawa muna ng masinsinang assessment o pagtaya ang bawat bansa sa posibleng banta ng pagkalat ng COVID-19 bago muling maibalik ang mga international travel.

Magugunitang napilitan ang iba’t-ibang mga bansa sa buong mundo na magpatupad ng travel restrictions sa mga dayuhan bilang bahagi ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Related posts

Panawagang i-boycott ang paglalagay ng advertisement sa Facebook pandaigdigan na

Powered by DWIZ

COVID-19 cases sa US umabot na sa mahigit 2.4-M

Powered by DWIZ

16 katao patay sa riot sa bilangguan sa Mexico

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More