29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

COVID-19 cases sa PNP patuloy na nadadagdagan

- Advertisement -

Nadagdagan pa ng isa ang bilang ng mga nasawi dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP) kaya’t umakyat na ito sa kabuuang 11.

Ayon sa PNP Public Information Office, nasawi noong Hulyo 24 ang isang 49 anyos na pulis na nakatalaga sa Northern Police District (NPD).

Samantala, mayroon nang 25 bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP kung saan, 22 rito ang mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Dalawa ang nadagdag na nagmula naman sa Police Regional Office 7 o Central Visayas PNP habang isa ang nadagdag naman mula sa Police Regional Office 1 o Ilocos Region PNP.

Sumatotal, nasa 2,109 na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa PNP kung saan, nasa 771 naman ang recoveries.

Nasa 837 rito ang probable cases habang nasa 2,505 ang naitalang suspected cases sa hanay ng pambansang pulisya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -