Water level sa Angat nabawasan —PAGASA

0
11

Nabawasan ang water level ng Angat Dam sa nakalipas na magdamag.

Ipinabatid ng hydrology divison ng PAGASA na nasa 204. 57 meters ang antas ng Angat Dam kaninang alas-6 ng umaga –kumpara sa 204. 61meters na naitala kahapon ng umaga, ika-12 ng Enero.

Nabawasan din ang water level sa Ipo, San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Samantala, nadagdagan ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga at Caliraya dams.