Water level sa Angat dam bahagyang nabawasan

0
59

Bahagya lamang nabawasan ang water level ng Angat Dam sa nakalipas na 24-oras.

Ayon sa hydrology division ng PAGASA, 6 kaninang umaga ay nasa 158.59 meters ang water level ng Angat kumpara sa 158.75 meters na water level kahapon.

Nabawasan din ng kaunti ang water level ng La Mesa dam na nasa 72.55 meters gayundin ang Ipo Dam na nasa 99.36 meters ang water level.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.