Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan magsasanib pwersa para masugpo ang dengue

0
54

Magsasanib puwersa ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan para matiyak na hindi na lolobo pa ang kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, makakasama nila sa pagpapatupad ng 4S kontra dengue ang Dept of Education, Local Government Units sa pamamagitan ng DILG at ang Civil Defense ng AFP.

“Unang una po, yung Search and destroy na pagtanggal po ng lahat ng imbak na tubig para wala na pong pagpugaran ng mga lamok. Yun naman pong mga nag-aaral sa eskwela, kakausapin sila ng DepEd para po siguradong protektado yung mga bata. Ibig sabihin, wala po dapat lamok sa mga schools atsaka yung mga bata baka pwedeng mag uniform ng naka long sleeves atsaka pantalon atsaka maglagay ng insect repellants during the day.”

Ayon kay Domingo, kinailangang magdeklara ng nationwide alert ang Dept of Health kontra dengue upang mapaghandaan ito lalo na ng mga rehiyon na mababa pa ang naitalang kaso.

Sa ngayon anya ay nasa code blue alert na ang lahat ng pampublikong ospital sa bansa upang asistihan ang mga pasyente na posibleng positibo sa dengue.

“Yung ating mga ospital, ready narin po yan. May mga dengue fast lanes po sila na naka activated na at kumpleto naman po tayo ng mga gamit na pang test atsaka panggamot. San po ang magulang, basta nilalagnat ang kanilang mga anak, wag na pong antaying tumagal at dalhin na agad sa center o sa ating mga ospital para po ma diagnose sila ng tama.” — Pahayag ni Health Undersecretary Eric Domingo

(Ratsada Balita interview)