Posibleng maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa ilang mga dating party-list congressmen anumang araw mula ngayon.
Kabilang sa mga ito, sina dating Gabriela Party-list Representative at ngayo’y Anti-Poverty Commission convenor Liza Maza, dating Bayan Muna Party-list Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño at dating Anakpawis Representative Rafael Mariano.
Ayon kay dating Bayan Muna Party-list Representative Atty. Neri Colmenares, may kaugnayan ang nasabing warrant of arrest sa kasong murder na ihinain pa sa panahon ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo noong 2006.
Iginiit pa ni Colmenares, gawa-gawa lamang ang nasabing kaso para kitilin ang oposisyon noong panahon ni Arroyo.
(Ulat ni Jill Resontoc)