VP Robredo pinuri ang AFP sa ipinakikita nitong propesyonalismo

0
73

Umaapaw ang papuri ni Bise Prsidente Leni Robredo sa propesyonalismong ipinakikita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng mga ingay ukol sa politika.

Wala aniyang dapat ikatakot ang mga mamamayan hangga’t hindi nagpapagamit ang mga miyembro ng militar sa mga abusadong lider sa bansa.

Binigyang diin din ni Robredo na minsan ng sinubukang gawing pulitiko ang AFP pero patuloy na nanindigan ang grupo at hindi hinayaang maimpluwensyahan ang mga desisyon nito.

Naniniwala naman ang bise presidente na hanggang ngayon ay nasa konstitusyon at bandila pa rin ang katapatan ng mga militar.