US Embassy sarado sa Agosto 21

0
50

Sarado ang tanggapan ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas gayundin sa mga affiliate offices nito sa Miyerkules ng susunod na linggo, Agosto 21.

Batay sa abiso ng U.S. Embassy, ito’y bilang pakikiisa ng embahada sa paggunita ng mga Pilipino sa ika-36 na anibersaryo ng pagpaslang kay dating senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

Gayunman, muling magbabalik ang operasyon ng embahada gayundin ng mga affiliate offices nito kinabukasan, araw ng Huwebes, Agosto 22.