Friday, May 3, 2024

Nakahambalang na police station sa kalsada tinibag

- Advertisement -

Hindi pinalampas ng pamahalaang lungsod ng Quezon maging ang ilang tanggapan ng gobyerno kahit ang himpilan ng pulisya na nakasasagabal sa kalsada.

Pinangunahan mismo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, MMDA Chairman Danilo Lim, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/MGen. Guillermo Eleazar at Quezon City Police District (QCPD) Chief P/BGen. Joselito Esquivel ang pagtibag sa traffic enforcement unit sector 1 sa panulukan ng A. Bonifacio Avenue at Balintawak Cloverleaf, kahapon.

Sinasabing nasa gilid ng naturang traffic section station naka-impound ang mga sasakyang nahuhuli dahil sa pagkakasangkot sa aksidente gayundin sa mga lumalabag sa batas trapiko.

Dahil dito, nakahambalang ang mga impounded na sasakyan sa lansangan na siyang nagdudulot ng matinding daloy ng trapiko sa lugar maliban pa sa ginagawang Skyway Stage 3 doon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img