UP wala pang tiyak na itinakdang petsa para sa UPCAT

0
39

Wala pang bagong petsang itinakda ang pamunuan ng University of the Philippines (UP) para sa UP College Admission Test (UPCAT).

Sa isang abiso, sinabi ng pamunuan ng u-p na huwag paniwalaan ang mga kumakalat sa social media kaugnay ng bagong petsa para sa UPCAT.

Hindi pa anila naisasapinal ang bagong schedule para sa pagsusulit dahil katatapos lamang ng kanilang ginawang assessment sa sitwasyon ng lahat ng test centers ng unibersidad sa buong bansa.

Dagdag ng UP, magmumula ang opisyal na anunsyo para sa bagong schedule ng UPCAT sa kanilang tanggapan at ipopost sa official page at website ng unibersidad.