Unang Super Health Center sa Cordillera, matatagpuan sa Baguio City

0
6

Baguio City – Bukas na sa publiko ang kaunaunahang Super Health Center sa buong rehiyon ng Cordillera na matatagpuan dito sa lungsod ng Baguio.

Ang nasabing super health center ay may land area na 700 square meters at floor area ma 1,200 square meters. Ito ay pinunduan sa ilalim ng Department of Health-Health Facility Enhancement Program sa halagang P10 million at ng lokal na Government sa halagang P18 million.

Matatandaan na naipatayo ang unang palabag ng gusali sa Aurora Hill Health noong early 1950s, at isa sa mga unang health centers naitayo dito sa lungsod ng Baguio.

Noong nakaraang taon, ang istruktura ay nagsilbi para sa maternal and childcare nutrition at sanitation. Natapos ang reconstruction ng nasabing gusali noong 2021,

Ang Aurora Hill Health Center ay isa sa mga pinakamalaki at ang pinaka modernong health center dito sa lungsod na nagbibigay ng primary health care services, birthing clinic, function hall na maaaring gamitin bilang isolation area kung kinakailangan, pharmacy, clinical laboratory, X-ray services at ambulatory services.

Sakop ng nasabing health center ang 13 barangays na may tinatayang 21,000 na populasyon. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City PIO)

Leave a Reply