Ulat na na-confine si Pangulong Duterte ‘fake news’ —Palasyo

0
13

Itinanggi ng Malakaniyang na na-confine sa Cardinal Santos Hospital si Pangulong Rodrigo Duterte.

Maling balita, ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo ang kumalat sa social media na isinugod sa ospital ang pangulo.

Binigyang diin ni Panelo na fit and healthy ang pangulo at kasalukuyang gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang pangulo ng bansa sa Bahay Pagbabago sa loob ng Malakanyang Complex.

Pinayuhan ni Panelo ang publiko na mag-ingat sa pekeng balita at tanging makinig at maniwala lamang sa mga official advisory hinggil kay Pangulong Duterte at pagpapatupad ng Bayanihan Heal as One Act.

Ang Pangulong Duterte ay lumabas kagabi sa telebisyon para sa mga dagdag impormasyon hinggil sa mga panuntunan habang umiiral ang enhanced community quarantine sa Luzon.