Trump nilinis sa kaso ng panghihimasok ng Russia noong 2016 US elections

0
53

Walang naganap na sabwatan sa pagitan ni US President Donald Trump at panghihimasok ng Russia hinggil sa kanyang kampanya noong 2016 US elections.

Ito ang lumabas na resulta sa ikinasang imbestigasyon ni US Special Counsel Robert Mueller, na siniyasat naman ni Attorney General William Barr at isinumite sa kanilang Kongreso.

Ayon kay Barr, ligtas sa anumang kaso at pananagutan si Trump dahil walang nakitang sabwatan ang mga miyembro ng “Trump election campaign” sa Russia sa naturang halalan.

Wala rin anyang ebidensya na nakalap sa dalawang taong pag-iimbestiga ni Mueller na nagpapatunay na dapat panagutin si Trump sa kasong iniuugnay sa kanya.

—-