COA nanindigan sa ‘disallowance’ ng mga opisyal ng MWSS

0
49

Nanindigan ang Commission on Audit o COA hinggil sa nauna nilang pahayag na disallowance o hindi pagbibigay ng tinatayang mahigit walong milyong pisong meal allowance ng mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS noong taong 2012 at 2014.

Ito’y makaraang maghain ng petisyon na muling suriin ng COA ang nauna na nilang notice of disallowance.

Ayon sa desisyon ng COA, bukod sa huli na ang pag-apela ng MWSS ay wala rin anyang sapat na merito ang kanilang kahilingan.

Samantala, isinumite ng MWSS ang kanilang petisyon halos apatnaraang (400) araw o halos isang taon na ang nakalipas mula nang inilabas ang naturang notice ng COA, lubhang matagal ito kumpara sa 180 days o anim na buwang nakatakda lamang na reglementary period para mag-file ng petition review.

—-