Trump nagpatupad ng karagdagang sanction sa Iran

0
18

Karagdagan pang sanction ang ipinatupad ni US President Donald Trump sa rehimeng Iran.

Ito’y matapos ang ginawang missile attack ng Iran sa dalawang air bases sa Irbil at Al Asad sa West Baghdad bilang ganti sa pagkakapatay ng US kay top Iranian Gen. Qasem Soleimani.

Ayon kay US President Donald Trump, kaniyang ipatutupad ang financial at economic sanctions sa naturang bansa at mananatili umano ito hanggat hindi ito nananahimik.

Nagpasalamat naman si Trump at walang nasawi sa ginawang pagpapakawala ng missile ng Iran sa nabanggit na base-militar.