Trump ikinukunsidera ipatigil ang domestic flights sa COVID-19 hot spot sa US

0
20

Ikinukunsidera ni US President Donald Trump na pansamantalang ipatigil ang domestic flights sa mga itinuturing na coronavirus hot spot sa buong United States.

Ito ay upang mapigil ang lalung pagkalat ng nabanggit na virus sa kanilang bansa kung saan hindi bababa sa isang daang libo na ang apektado.

Ayon kay trump, mahigpit nilang pinag-aaralan ang sitwasyon lalu na’t malaki ang magiging epekto ng pagpapatigil ng domestic flights sa buong bansa.

Kabilang sa posibleng maapektuhan ng pagpapatigil ng domestic flights ang New York, New Orleans at Detroit.