Trudeau nanindigan na dapat magbigay ng ayuda ang Iran ukol sa pinabagsak na Ukranian plane

0
37

Nanindigan si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na dapat makatanggap ng ayuda mula sa Iranian Government ang pamilya ng mga nasawi ng pinabagsak na Ukranian plane.

Ito ay matapos na aminin ng Iranian Government na sila ang nagpabagsak sa Ukranian Government na ikinasawi ng higit 100 pasahero na kinabibilangan ng mga Canadians.

Ayon kay Trudeau, makatatanggap ng $25,000 mula sa Canadian Government ang pamilya ng biktima bilang ayuda sa mga ito.

Matatandaang, umani ng batikos mula sa iba’t-ibang world leaders ang naging hakbang ng Iran sa kung saan sinabi nito na hindi naman sadya o unintentional ang paglulunsad nila ng missile sa bumagsak na eroplano.