Trillanes at Pangilinan nilinis ng AFP sa ‘Red October’ ouster plot

0
64

Nilinis ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sina opposition senators Antonio Trillanes IV at Francis Pangilinan sa di umano’y planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte na tinagurian nilang ‘Red October’.

Sa budget hearing ng Senate Committee on Finance, direktang tinanong ni Trillanes si AFP Chief of Staff General Carlito Galvez kung sangkot siya at si Pangilinan sa Red October.

Ayon kay Galvez, nakikita nilang ang intensyon ng CPP-NPA na makipag-koalisyon sa oposisyon kaya’t nais ng militar na protektahan ang lehitimong oposisyon.

Nang iginiit ni Trillanes kung nakipag-koalisyon ba sila sa NPA, sinagot ito ni Galvez ng hindi.

Binigyang diin ni Trillanes na iniimpluwensyahan niya ang oposisyon na lumayo sa NPA.

Dahil hanggat pumapatay aniya ng sundalo ang mga NPA, para silang langis at tubig na kahit kelan ay hindi puwedeng maghalo.

—-